Nalalasap sa iyong mga labi Ang damdamin mo ay hindi maikubli Para ka lang napipilitan Mga halik mo'y nawala na ang tamis Dapat bang magsipilyo ako O kaya'y magmumog ng asin? At itigil ang sigarilyo Nang muling sumarap ang halik ♪ Nadarama sa iyong mga kapit Damang-dama ko ang iyong panlalamig Para ka lang napipilitan Mga yakap mo ay hindi na mahigpit Dapat ba na maligo ako? Ang libag ay aking tanggalin O kaya'y magpalit ng suot Nang muli mo akong yapusin ♪ Napupuna sa kilos mo, giliw Ang iyong paglayo at pag-iwas sa akin Para ka lang napipilitan Labag sa loob na ako ay tagpuin Dapat bang magtawas na ako O mag-ahit ng kilikili? At gumamit ng kalamansi Nang ika'y magbalik na muli Dapat bang magsipilyo ako O kaya'y magmumog ng asin? Dapat ba na maligo ako? Ang libag ay aking tanggalin Dapat bang magtawas na ako O mag-ahit ng kilikili? Dapat ba na gawin ko ito Nang mapasaakin kang muli?