Dalaga ka na Marami ang manliligaw May pang-umaga, may pangtanghali Mayro'ng panghapon at may panggabi Bilang ama Ako ay nagtitiwala Naniniwala bawat sandali Ikaw ay hindi magmamadali Ayaw na ayaw kong Ikaw ay nasasaktan At lalo nang ayaw kong Umiiyak ka at nahihirapan Dalaga ka na Mahaba pa ang panahon Marami ka pang pagpipilian Na kapuwa tayo ay sasang-ayon Bilang ama Palagi akong gagabay Ituring akong iyong kaibigan Iyong kakampi sa habang-buhay Ayaw na ayaw kong Ikaw ay nasasaktan At lalo nang ayaw kong Umiiyak ka at nahihirapan ♪ Ayaw na ayaw kong Ikaw ay nasasaktan At lalo nang ayaw kong Umiiyak ka at nahihirapan Dalaga ka na At mag-aasawa ka rin Sundin ang puso at ang damdamin Higit sa lahat pakaisipin Bilang ama Hangad ko ang 'yong ligaya Ayaw kong ikaw ay magsisisi At mayro'ng lungkot na madarama Ayaw na ayaw kong Ikaw ay nasasaktan At lalo nang ayaw kong Umiiyak ka at nahihirapan