Kishore Kumar Hits

Florante - Kahit Konti lyrics

Artist: Florante

album: The Best Of Florante


Maari bang, maari bang
Umusog-usog ng konti?
Hati-hati dahil masyadong masikip ang upuan
At kung iyong kausapin
Ako nama'y hindi maselan
At payag matabihan, umusog lang, umusog ng konti
Maari bang, maari bang
Umusog-usog ng konti?
Madadaan sa usapan
Ang maaring pag-awayan
Sakali mang mayro'n kang napapansin, sabihin lang
At kung makatuwiran ako'y uusog din kahit konti
Hindi naman buong-buo ang hinihiling ko sa iyo
Ngunit kahit kapiraso man ay magkasundo tayo
Iba't-iba ang katuwiran ng tao sa lipunan
Ngunit ang kailangan lang tayo'y huwag magtulakan
O kay raming suliranin, oras-oras dumarating
Dahil 'di kayang lutasin
Hindi na rin pinapansin
Subalit kung tutuusin
Iisa ang dahilan
Kaibigan, ayaw nilang umusog ng kahit konti
Hindi naman buong-buo ang hinihiling ko sa iyo
Ngunit kahit kapiraso man ay magkasundo tayo
Iba't-iba ang katuwiran ng tao sa lipunan
Ngunit ang kailangan lang tayo'y huwag magtulakan
O kay raming suliranin, oras-oras dumarating
Dahil 'di kayang lutasin
Hindi na rin pinapansin
Subalit kung tutuusin
Iisa ang dahilan
Kaibigan, ayaw nilang umusog ng kahit konti
At kung iyong kausapin
Ako nama'y hindi maselan
At payag matabihan
Umusog lang kahit konti

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists