Masdan mo't naririto at muling naghihintay Ang abang bihag mong pagsinta'y dalisay Kislap ng mga bituin at liwanag ng buwan Ang tanging saksi ng puso kong nagmamahal Bakit kaya, sinta, ako'y iyong iniwan? 'Di ka na naawa sa aking kalagayan At kung ako'y iyong datnang wala nang buhay Asahan mo, irog ko't ikaw ang dahilan ♪ Bakit kaya, sinta, ako'y iyong iniwan? 'Di ka na naawa sa aking kalagayan At kung ako'y iyong datnang wala nang buhay Asahan mo, irog ko't ikaw ang dahilan