Bulalakaw, hayun Bilang kislap, bigla ring nawala Ayoko nga ng ganyang liwanag Katulad din ng isang paglinga Kahit na nga sa langit pa nagbuhat Pag-ibig na balatkayo'y bumabagsak Bulalakaw sa pisngi ng langit Parang luha ka ng bituing nahulog sa mundo Tumatangis, bakit nga ba? Kung ika'y minamasdan Ang hiwaga ng iyong kislap ay kay dali-daling pumanaw Tulad ng pag-ibig kong may alinlangan Ang kanyang sigla'y nawawala, at tuluyan na ngang namamatay Ngunit ang aking puso ay hindi bulalakaw Kapag inibig ka'y walang maliw kailan pa man ♪ Ngunit ang aking puso ay hindi bulalakaw Kapag inibig ka'y walang maliw kailan pa man