Lagi daw umaawit, kung minsan nama'y galit Nagugulo ang isip, ganyan daw ang pag-ibig Ay, saksi raw ang langit, sampu ng buwang marikit Naku, nagpupumilit, ganyan daw ang pag-ibig Lambing ng pagmamahal, kainggit-inggit pakinggan 'Pag may lumimot sa sumpaan, puso'y luhaang tunay At kung hindi pasakit ay tuwa ng iyong dibdib Hindi ko nga malirip, ganyan daw ang pag-ibig ♪ Lambing ng pagmamahal, kainggit-inggit pakinggan 'Pag may lumimot sa sumpaan, puso'y luhaang tunay At kung hindi pasakit ay tuwa ng iyong dibdib Hindi ko nga malirip, ganyan daw ang pag-ibig