Tayo ay nagsuyuan, nagsumpaan habang-buhay Na ang ating pag-ibig ay hindi na mamamatay Kaya ang aking puso'y lagi sa kaligayahan 'Pagkat batid kong tunay ang iyong pagmamahal Nasaan ang taimtim at wagas na sumpa mo? Nasaan ang sabi mo na 'di ka maglililo? Nasaan ang pagsuyo mong aliw ng puso ko? Hindi ko akalaing dagli kang magbago Nasaan ang halik mo na ligaya kong tunay? Nasaan ang pagsintang katumbas ng iyong buhay? Naririto at hindi na iibig pa kailanman Kung 'di rin lang makamit ang iyong pagmamahal ♪ Naririto at hindi na iibig pa kailanman Kung 'di rin lang makamit ang iyong pagmamahal Puso ko'y liligaya sa iyo lamang