Kishore Kumar Hits

Ruben Tagalog - Pandanggo Ni Neneng lyrics

Artist: Ruben Tagalog

album: Dalagang Pilipina


Kung nagsasayaw si Neneng at ako'y walang pagod
Ang kanyang magagandang paa na sa hakbang ko'y sumusunod
Ngunit 'di alam ni Neneng na ako ay naghihirap
Dahil sa pag-ibig at tunay na paglinga
Ang mga dalaga kung pista sa baryo
Ay nakabakya at sumasayaw sa lambing ng himig ng pandanggo
Ang pandanggo ni Neneng ay mahirap na pumanaw
Habang nasa nayon ang alit-it ng kawayan
Bukid ay tahimik at mayumi ang amihan
Ganyan kung kumilos ang dalaga sa silangan

Neneng ko, huwag limutin, tayo'y perlas ng silangan
Dahil sa dilag mong pambihirang kayamanan
Bukid ay dakila kaysa lungsod na mailaw
Pandanggo'y sayaw ng kayumangging kaligatan

Ang mga dalaga kung pista sa baryo
Ay nakabakya at sumasayaw sa lambing ng himig ng pandanggo
Ang pandanggo ni Neneng ay mahirap na pumanaw
Habang nasa nayon ang alit-it ng kawayan
Bukid ay tahimik at mayumi ang amihan
Ganyan kung kumilos ang dalaga sa silangan
Pandanggo'y sayaw ng kayumangging kaligatan

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists