Kishore Kumar Hits

Ruben Tagalog - Pista Ng Nayon lyrics

Artist: Ruben Tagalog

album: Dalagang Pilipina


Pista sa aming nayon, ang lahat ay may handaan
At bawat tahanan dito ay may tugtugan
Masdan mo ang binata, sa dalaga ang tanaw
'Pagkat ang tala sa bukid ay taos kung magmahal
Ibon sa puno ng kahoy ay umawit sa aliw
At nagkundaya ng dahon sa halik ng hangin
Ang maghapon, nang maparam, at lumakad ang dilim
Naglamay pa sa harana ang binata sa bituin

Sa himig ng gitara, ang dalaga'y napabangon
Dinungaw ang pusong sa pag-ibig, humahabol
At halos inumaga sa wagas niyang layon
Ganyan nga kung sumapit sa amin ang pista ng nayon

At halos inumaga sa wagas niyang layon
Ganyan nga kung sumapit sa amin ang pista ng nayon
Ganyan dito sa nayon

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists