Kishore Kumar Hits

Ruben Tagalog - Ang Tapis Mo Inday lyrics

Artist: Ruben Tagalog

album: Dalagang Pilipina


Ang tapis mo, Inday, ay kay ganda at mapang-akit
Lunas at aliw sa hirap kong tinitiis
Bakit hindi mo na taglay ngayon ang tapis na kundimang marikit?
Nalimot mo na ba ang dating ayos mo kung magbihis?
Tapis mong iyan, 'pag nilimot, Inday
Ang aking puso'y mamamanglaw
May damit kang iba, ngunit barong hiram
Dapat mong mahalin ang damit na kinagisnan
Tapis sa baywang mo, mutyang sinta
Tuwina sa puso ko'y gumaganda
Sayang ang tapis mong nilimot na
Limot na rin ang baro at saya
Ang tapis na kundiman ay dapat ingatan
Dangal ng lahi at hiyas ng silangan
Bagay na bagay sa iyo kung ika'y nagpapasyal
Ligaya niyaring puso habang minamasdan

Ang tapis na kundiman ay dapat ingatan
Dangal ng lahi at hiyas ng silangan
Bagay na bagay sa iyo kung ika'y nagpapasyal
Ligaya niyaring puso habang minamasdan
Tapis mo ay huwag kalilimutan

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists