Umaga na pala Giliw, 'di ko napapansin Naglaho na ang tala At bituing nagniningning Lumiliwanag na Ngunit yaring paggiliw Ay 'di mo dinulutan Ng kahit munting aliw Kahit ang buwan sa pagdaing ko'y lumuluha Ikaw pa kaya, mutya, ang 'di maaawa? Umaga na pala Giliw, bakit 'di ka manungaw? Ang bagting ng kudyapi, ibig nang malagot Katulad din ng buhay kong pumapanaw Dahan-dahan nang napawi ang dilim At ang araw ay ibig nang magningning 'Di mo pa pinapansin ang pagdaing Umaga na pala, giliw ♪ Dahan-dahan nang napawi ang dilim At ang araw ay ibig nang magningning 'Di mo pa pinapansin ang pagdaing Umaga na pala, giliw Umaga na pala, giliw