Kishore Kumar Hits

Ai-Ai delas Alas - Ang Tanging Ina N'yo lyrics

Artist: Ai-Ai delas Alas

album: Ang Tanging Ina N'yo


Hindi ko maintindihan kung ba't sila ganyan
Minsan kami ang nakikita't pinag-uusapan
Kasalanan ko bang umibig at iwanan?
Magkaro'n ng anak na tangi naming yaman
Lahat na yata ng hirap ay ginawa ko
Naging tindera na ako ng pirated sa kanto
Naging construction worker para lang mabuhay kayo
Gay impersonator ang naging trabaho ko
Kay hirap talagang maging isang ina
Mahaba dapat ang 'yong pasensya
Pero kahit 'and'yan ang problema
Para sa anak lahat ay kayang-kaya
Dahil ako ang tanging ina n'yo
Na nagpapalit ng diapers nung bata pa kayo
Tanging ina n'yo
Ang nag-aalaga, namamalantsa ng damit n'yo
Nagpapaligo habang nagluluto ako
Nagpapakain, nag-aalaga sa inyo
Kinabukasan n'yo ang laging iniisip ko
Ang mapag-aral kayo hanggang sa kolehiyo
Magtinda man ako ng gulay, isda, at sago
Chicharon at balot ay gagawin ko
At kahit na marami sa 'ting umaalipusta
Sabihin man nilang lahat ang gusto nila
Dito sa puso ko'y pantay-pantay ang nadarama
Bilang mga anak dahil ako ang inyong ina
Kay hirap talaga kapag nag-iisa
Responsibildad mo'y 'di basta-basta
Kuryente, tubig, bayad sa kasera
Kung may sobra, may baon sa eskwela
Dahil ako ang tanging ina n'yo
Ang tumatayo bilang nanay at tatay n'yo
Tanging ina n'yo
Na nagpapatawa kapag nalulungkot kayo
Nasasaktan 'pag 'di naibigay ang gusto n'yo
Mga kailangan
Tanging ina n'yo
Na handang magtanggol 'pag inaapi kayo
Tanging ina n'yo
Na ibibigay kahit buhay ko sa inyo
Anuman ang mangyari, nandirito ako
Hanggang huli
Tanging ina n'yo
Tanging ina n'yo
Tanging ina n'yo ako
Tanging ina n'yo

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists