Dakilang lahi na sa 'yong tangi Pag-ibig kong walang hanggan Isinumpa ko, oh, Pilipino Gagaling ang sugat ng 'yong nakaraan Nang pahiran ko, luha ng puso mo Ay natayong muli ang karangalan mo Oh, ang pag-ibig ko sa 'yo'y walang hanggan Ikaw ang siyang dalangin ko sa Diyos kailan pa man Kuminang na ang 'yong bituin at sumikat na'ng araw Ang kalayaan mo'y sinisigaw Ang bukas ay tanging sa 'yo nakalaan Kayumanggi ang kulay mo, dugo't pawis inalay mo 'Di ka na maaapi, ngayon o kailanman Pag-ibig ko sa 'yo'y walang hanggan Dakilang bayan, kapayapaan Ay muli nang nakamtan Tulad no'ng araw bago inagaw Ang kayamanan mo ang 'yong kalayaan Nang pahiran ko, luha ng puso mo Ay natayong muli ang karangalan mo Oh, ang pag-ibig ko sa 'yo'y walang hanggan Ikaw ang siyang dalangin ko sa Diyos kailan pa man Kuminang na ang 'yong bituin at sumikat na'ng araw Ang kalayaan mo'y sinisigaw Ang bukas ay tanging sa 'yo nakalaan Kayumanggi ang kulay mo, dugo't pawis inalay mo 'Di ka na maaapi, ngayon o kailanman Pag-ibig ko sa 'yo'y walang hanggan Kahit na ga'no kaliit ang tinig ko Buong lakas akong magtatanggol sa 'yo Ang bukas ay tanging sa 'yo nakalaan Kayumanggi ang kulay mo, ang buhay ko'y alay sa 'yo 'Di ka na maaapi, ngayon o kailanman Pag-ibig ko sa 'yo'y walang hanggan, oh Pag-ibig ko sa 'yo'y walang hanggan