Kishore Kumar Hits

MAJA - Huling Gabi From "I'm Drunk, I Love You." lyrics

Artist: MAJA

album: Huling Gabi From "I'm Drunk, I Love You."


Pangarap ko ang makalayo
Sa pangarap ko na dinulot mo
Ang matulog sa gabi na 'di alintana ang ginaw
At 'di humihiling na ang kapiling ay ikaw
Ikaw na rin ang minsang nagbanggit
Sa mga katapusang hindi mo maipipilit
Kung kinabukasa'y matutunan kong umiwas
Matitiyak ko ba na mabigyan ako ng lunas
Sa mga sakit na dulot ng
Iyong 'di paglingon
Iyong 'di pagtanaw
Iyong 'di pagtugon
Kung minsan pa'y iaalay sa 'yo itong gabi
At ipinapangako kong ito na ang huli
Hindi na maghahangad ng 'di mo maibabalik
Isang unos ang muling susuungin
Isang kasinungalingan ang yayakapin
Mamamatay ang ilang kapalit ng isang pagkakaibigan
Masisisi mo ba kung ito ang kinakailangan?
Ng mga sakit na dulot ng
Iyong 'di paglingon
Iyong 'di pagtanaw
Iyong 'di pagtugon
Kung minsan pa'y iaalay sa 'yo itong gabi
At ipapanalangin kong ito na ang huli
Hindi na maghahangad ng 'di mo maibabalik
Sa mga sakit na dulot ng
Iyong 'di paglingon
Iyong 'di pagtanaw
Iyong 'di pagtugon
Kung minsan pa'y iaalay sa 'yo itong gabi
At ipinapangako kong ito na ang huli
'Di na magpapatinag sa iyong mga pagtawag
At itatanggi sa sarili na ikaw pa ang hangad

Minsan pa'y iaalay sa 'yo itong gabi

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists