Sana'y malaman mo Kung saan ka mang mundo manggagaling Maghihintay pa rin sa'yo Kathang isip lang ba Sa atin tinakda ng tadhana Nasaan ka na kaya? Ilang araw, ilang buwan, ilang taon nagdaan? Bitbit pa rin ang liham ng walang dahilan Isang liham na nagtataglay ng nilalaman Ng puso, isipan, damdamin kung ano man Subalit mayroong problema tila 'di tutugma Ang balak kong gawin mukhang 'di magagawa Walang pangalan o address at 'di malaman ang petsa Nayayamot nagmamaktol wala bang pag-asa? Ngunit ang puso'y may bulong na aking hinahawakan Na sana marinig sa buong pangkalawakan Ang panalangin na punong-puno ng lumbay Isang pag-ibig na nilalaang wala pang saysay Nakikita pero walang mukha Naririnig kahit 'di magsalita Sana'y malaman mo Kung saan ka mang mundo manggagaling Maghihintay pa rin sa'yo Kathang isip lang ba Sa atin tinakda ng tadhana Nasaan ka na kaya? Buong buhay na naghihintay ika'y magpahiwatig Bigyan ng kasagutan ang pusong humihiling Ng pagkakataon na sana magtagpo ang landas Gagawin ang lahat pero ano bang katumbas Kung iniisip mo ako'y hindi nagbubuwis ng oras Bawat hirap na dinanas sa mukha ko ay bakas Patnubayan, alalayan sana mabigyan ng lunas Meron ba tayong bukas o ito ang wakas? Nakikita pero walang mukha Naririnig kahit 'di magsalita Sana'y malaman mo Kung saan ka mang mundo manggagaling Maghihintay pa rin sa'yo Kathang isip lang ba Sa atin tinakda ng tadhana Nasaan ka na kaya? Sana'y malaman mo (Kung saan mang mundo) manggagaling Maghihintay pa rin sa'yo Kathang isip lang ba (Sa atin tinakda) ng tadhana Nasaan ka na kaya?