Noong panahong siya ay hari Masigla ang kanyang pagbati Mahigpit ang hawak ng mga daliri At ang lakad nama'y matuwid Mahusay ang kanyang talumpati Makisig kung siya ay magdamit Malalim ang kanyang pag-iisip At lahat ay sa kanya nakatitig Ngunit ngayong siya'y pagod na Mahina na rin ang katawan Pinagmamasdan na lamang sa bintana Ang unti-unting pagdaloy ng ulan At ang unang tanong sa umaga Kung ano ang kanyang nagawa Sa paglipas ng siyamnapung taon Nang siya'y malakas at bata pa Si Lolo Jose, si Lolo Jose Si Lolo Jose ay matanda na Ngunit mahal ko pa si Lolo Jose Kahit siya ngayon ay laos na Sa piling ng mga alaala Lagi na lamang nag-iisa Kahit sulyap, walang maaasahan Sa anak na 'di man siya mapagbigyan At ang unang tanong sa umaga Kung mayro'n pa siyang magigisnan Na liwanag sa nalalabing buhay Ngayon siya'y matanda at laos na Si Lolo Jose, si Lolo Jose Si Lolo Jose ay matanda na Ngunit mahal ko pa si Lolo Jose Kahit siya ngayon ay laos na Sa dilim ng kanyang pag-aasam Maghapon na lang nakabantay Kung kanyang matatanaw pa ang hiwaga Nang hindi malimot niyang nakaraan At ang diwa ng kahapon 'Di na matagpuan At ang sinag ng umaga Dinaanan ng ulan At ang hirap ng nasa puso 'Di na mapapantayan Kung maari lang, maari lang Pawiin ang dusa Si Lolo Jose, si Lolo Jose Si Lolo Jose ay matanda na Ngunit mahal ko pa si Lolo Jose Kahit siya ngayon ay laos na