Ito'ng munting hiling sa'yo, maging bahagi mo Diyos ko Buksan ang puso kong ito, dinggin mo ang tanging pagsamo Ang mundo'y kay yaman na, ngunit anak sa hirap pa Di lamang sa ginto't pilak, lalong tigang sa kaluluwa Buksan mo ang mga pinto sa paraiso ng biyaya Walang luha, dusa't dugo katulad ng buhay sa lupa Hawiin ang ulap at dalhin mo na ang langit sa lupa At ang buhay ay mapayapa't malaya Puno ng pagsinta, puno ng pag-asa ♪ Bigyang liwanag ang dilim, ang puso ay naghihintay Isang kandila sa gabi, tanging gabay ng kaluluwa Buksan mo ang mga pinto sa paraiso ng biyaya Walang luha, dusa't dugo katulad ng buhay sa lupa Hawiin ang ulap at dalhin mo na ang langit sa lupa At ang buhay ay mapayapa't malaya, puno ng pagsinta, langit sa lupa Ahh, dalhin mo na ang langit sa lupa Ahh, ohh maawa ka dalhin mo ang langit sa lupa