Kishore Kumar Hits

Ivy Violan - Pagmamahal Sa Bayan lyrics

Artist: Ivy Violan

album: Pagmamahal Sa Bayan


Sa 'yong pinagmulan, bayang sinilangan
Isagawa't isa-puso mo ngayon
Ang pagmamahal sa bayan
Iyong i-angat ang ating watawat
Simulan mo ngayon ang tagumpay nating lahat
May hihigit pa ba sa pagkadakila
Tulad sa pagmamahal sa sariling bayan
Wala na nga, wala
Wala
May dadaig pa ba sa pagiging tunay
Tulad sa pagmamahal sa sinilangang bayan
Wala na nga kaya, wala
Wala
Sa 'yong pinagmulan, bayang sinilangan
Minsan ka pa magpakasakit
Alang-alang sa bayan
Kailangang tupdin ang tawag ng tungkulin
Malaking hamon iyon sa bawat isa sa atin
Damdamin ng Pilipino sa isa't-isa
Sama-sama nating isa-puso't isagawa
Sa 'yong pinagmulan, bayang sinilangan
Hangad hangad mo ba, makapaglingkod sa bayan
Tayo'y magsama-sama sa isang adhika
Pilipinas kong mahal, ibangon sa dusa
Sa 'yong pinagmulan, bayang sinilangan
Isagawa't isa-puso mo ngayon
Pagmamahal sa bayan
Muling iangat ang ating watawat
Tagumpay mo ngayon ay tagumpay nating lahat
Ang tagumpay mo ngayon ay tagumpay nating lahat

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists