Pwede bang bumalik sa nakaraan Pwede bang ipalit ang ala-alang Masakit, di ko kayang pakawalan Di ko kayang pakawalan Buti pa sa komiks, may paraan Time machine patungo sa ala-alang Masakit, di ako tinatantanan Di ako tinatantanan Papano kung kapalaran Ay kaya kong palitan Pwede bang itama ang mali Bumalik sa mga sandali Ang lahat ng nadarama kong sakit Mawawala na parang panaginip Sana'y nakasulat ang kahapon sa Pahina ng kuwaderno na pwedeng punitin lang O burahin ng tuluyan at sumulat nalang Ng bagong kabanata na di pagsisisihan Papano kung kapalaran Ay kaya kong palitan Pwede bang itama ang mali Bumalik sa mga sandali Ang lahat ng nadarama kong sakit Mawawala na parang panaginip ♪ Pwede bang itama ang mali Pero teka muna sandali Kung wala 'tong nadarama kong sakit Sarili ay di 'sing tatag tulad ngayon Di ko kayang itama ang mali Pero kakayaning tanggapin Ang lahat ng nadarama kong sakit Mawawala nang parang panaginip