Ala-una ng umaga na naman Hanap pa rin ang 'yong amoy sa 'king unan Kanina pa nakahiga sa 'king kama Pilit limutin ang ganda ng 'yong mata Sa mga bituin na lang kaya ibubulong Ang mga lungkot na aking nadarama? Hihintayin na lamang ang panahon Na paggising ko ay nariyan ka na ♪ Alas-tres na ng umaga na naman Hinihintay na bumaba na ang buwan Kanina pa paikot-ikot sa kama Tulad ng pag-ibig nating dalawa Sa mga bituin na lang kaya ibubulong Ang mga lungkot na aking nadarama? Hihintayin na lamang ang panahon Na paggising ko ay nariyan ka na ♪ Sana'y landas natin magtagpo ♪ At hahanapin na tayo Sa mga bituin na lang kaya ibubulong Ang mga lungkot na aking nadarama? Hihintayin na lamang ang panahon Na paggising ko ay nariyan ka na At babalik ka na sa 'kin, aking sinta