Oh, alam ko ang laman ng isip mo Ang hirap magtiwala sa mundo Ang mga walang lamang pangako nito Oh, ang hirap namang umibig at mangarap Ang kapalit ng tapang mo ay sugat Pwede bang sabihing hanggang dito na lang? Tuloy ka lang Hanapin ang sarili mong hakbang Mundo'y hindi kailangang sabayan Magmadali o dahan-dahan lang Sa 'yo 'yan Tuloy ka lang Tahakin ang sarili mong daan Ang iyong pintig ay pakinggan May laya kang umabot kung kailan Kailangan Tuloy ka lang Oh, alam ko ang inaakala mo Gusto mong sabihin ko sa 'yo Balang-araw dadali lahat Ng ito Diyos ko Wala akong ibang mapapayo Kahit na marating mo ang dulo Ang minimithing pagkabuo'y sa iyo Tuloy ka lang Hanapin ang sarili mong hakbang Mundo'y hindi kailangang sabayan Magmadali o dahan-dahan lang Sa 'yo 'yan Tuloy ka lang Tahakin ang sarili mong daan Ang iyong pintig ay pakinggan May laya kang umabot kung kailan Kailangan Tuloy ka lang Takbo ng buhay ay mapaglaro Walang hinihintay sa pagliko Pagtapos ng ulan Ang araw ay babati May bahaghari't Ula'y uulit Pero Tuloy ka lang Hanapin ang sarili mong hakbang (Hanapin ang sarili mong hakbang) Mundo'y hindi kailangang sabayan (Mundo'y hindi kailangang sabayan) Magmadali o dahan-dahan lang Sa 'yo 'yan Tuloy ka lang Tahakin ang sarili mong daan Ang iyong pintig ay pakinggan May laya kang umabot kung kailan Kailangan Tuloy ka lang