Kishore Kumar Hits

Christian Bautista - Gaano Kadalas Ang Minsan lyrics

Artist: Christian Bautista

album: X Plus


Gaano kadalas ang minsan lang ka mahagkan?
Sindalas na rin ng dami ng bituing waring walang hanggan
Dahil sa labi ko'y laging mararamdaman
Kahit sandali, halik mo'y dumampi minsan
Gaano kadalas ang makapiling kang minsan?
Sa 'kin sindalas ng walang wakas, saglit mang magpisan
Dahil sa gano'ng paraan lang mag-iisa
Kung magsasanib ang dalawang dibdib, 'di ba?
Ngunit kung pag-ibig ay hindi rin lang wagas
Mabuti pa, mabuti nga, mabuti ang hanggang maaga'y magwakas
Pagkukunwari'y itago man ay lalabas
At minsan kang matuklasan, hapdi'y walang kasindalas
Gaano kadalas ang minsan mo akong saktan?
Kahit minsan lang, sa 'kin, para bang walang katapusan
Gaano kadalas ba ang puso'y namamatay?
Ga'no kadalas, ga'no kadalas ang minsan?
Dahil ang pag-ibig, kung hindi rin lang wagas
Mabuti pa, mabuti nga, mabuti ang hanggang maaga'y magwakas
Pagkukunwari'y itago man ay lalabas
Minsan kang matuklasan, hapdi'y walang kasindalas
Gaano kadalas ang minsan mo akong saktan?
Kahit minsan lang, sa 'kin, para bang walang katapusan
Gaano kadalas ba ang puso'y namamatay?
Ga'no kadalas, ga'no kadalas ang minsan?
Ga'no kadalas, ga'no kadalas ang minsan?

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists