Pinakamamahal Pinakatatangi at laging pinagdarasal PInakaaasam na makamtan nang kay tagal Pinakamamahal Sana'y malaman mo Na ikaw lang ang tanging nais makapiling ko Maging ang buhay ay handang ialay sa 'yo Ibigin lang ako, ibigin lang ako Pinakamamahal Lahat ng nais ko, ikaw ang may taglay Hanggang walang hanggan, ako'y maghihintay Sa 'yong pagmamahal, pinakamamahal Pinakamimithi Sa piling mo, tila langit ang bawat sandali Masulyapan ka lang, ang puso ko'y ngumingiti Pinakamimithi Pinakasisinta Kung kasalanan ang ibigin ka'y hayaan na Na ang langit at Diyos ang sa 'kin ay humusga 'Wag kang mag-alala, ipaglalaban ka Pinakamamahal Lahat ng nais ko, ikaw ang may taglay Hanggang walang hanggan, ako'y maghihintay Sa 'yong pagmamahal, pinakamamahal Pinakamamahal Lahat ng nais ko, ikaw ang may taglay Hanggang walang hanggan, ako'y maghihintay Sa 'yong pagmamahal, pinakamamahal ♪ Pinakamamahal ♪ Pinakamamahal