Kahit ilang awit ay aking aawitin Hanggang ang himig ko'y maging himig mo na rin Kahit ilang dagat ay dapat tawirin Higit pa riyan ang aking gagawin Ang pag-ibig ay sadyang ganyan Tiwala sa isa't isa'y kailangan Dati mong pag-ibig, wala akong pakialam Basta't mahal kita, kailan pa man Mahal kita, basta't mahal kita Iniisip nila ay hindi mahalaga Mahal kita, maging sino ka man Gaano kadalas ang minsan lang kang mahagkan? 'Sindalas na rin ng dami ng bituing waring walang-hanggan Dahil sa labi ko'y laging nararamdaman Kahit sandali, halik mo'y dumampi, minsan Ngunit kung pag-ibig ay hindi rin lang wagas Mabuti pa, mabuti nga, mabuti ang hanggang maaga'y magwakas Pagkukunwari'y itago man ay lalabas At minsan pang matuklasan, hapdi'y walang kasingdalas 'Di ko na alam, muli pang mag-isa Mula nang makapiling ka Dahil ako'y umaasa na lagi kang kasama Laban sa mundo ay tayo lang dalawa Sinasamba kita Higit sa 'yong akalang iniibig lang kita Paggalang ko sa 'yo'y higit sa buhay kong taglay Wala na yatang papantay Ang buhay ma'y ibibigay ko pa Sinasamba kita Kung anumang dahila'y hindi mahalaga Basta't sinasamba kita 'Di lang pagmamahal ang siyang nadarama Pa'no ko maipipinta? Kulang ang kulay nila Para mailarawan ka, sinta, ah Kahit konting pagtingin kung manggagaling sa 'yo Ay labis ko nang ligaya dahil sa ikaw ay mahal ko Kahit konting pagtingin kung manggagaling sa 'yo Ay labis ko nang ligaya dahil sa ikaw ay mahal ko Balutin mo ako ng hiwaga ng iyong pagmamahal Hayaang matakpan ang kinang na 'di magtatagal Mabuti pa kaya'y maging bituing walang ningning Kung kapalit nito'y itong paglaho mong pagtingin Hayaang matakpan ang kinang na 'di magtatagal Sa piling mo ngayon, ako'y bituing walang ningning Nakukubli sa liwanag at kislap ng ating pag-ibig 'Di lamang pag-ibig ko 'Di lamang ang buhay kong ibibigay Sa ngalan ng pag-ibig mo Higit pa riyan, aking mahal, ang alay ko