May minamahal, bawat taong may damdamin May minamahal, tulad mo at tulad ko Nakadama sa isa't isa ng pag-ibig At ngayo'y nagmamahalan nang tapat 'Pag nagmamahal, bawat sandaling kasiping ka'y anong bilis Bawat oras ay mayro'ng kasaysayang anong sarap, anong tamis Maligaya nga ang taong nagmamahal, whoa Kaya ako'y napaligaya Ng tunay na pagmamahal Ang lahat ng katangian ay nasa 'yo Ningning ng mata, lambot ng labi At ugaling walang kapintasan Nababalot ng alindog, katawang tunay 'Pag minamahal, kulay-rosas ang paligid ko Sa tuwi-tuwina, nakayakap sa ulap Buong mundo'y nagagalak na mayroong Nagtatalik na dal'wang pusong nagmamahal, whoa-whoa Kaya't tayo'y magpasalamat Sa ating kapalaran Nasa atin ang kaganapang hinahanap Ng bawat nilalang na may puso rin Dahil tayo'y hindi magbabago hanggang may buhay May minamahal, bawat taong may damdamin May minamahal, tulad mo at tulad ko Nakadama sa isa't isa ng pag-ibig Kaya't habang may pag-asa kayo Humanap ng pag-ibig na totoo Saka lang liligaya Kung mayro'n nang tunay na minamahal May minamahal, bawat taong may damdamin May minamahal, tulad mo at tulad ko Nakadama sa isa't isa ng pag-ibig Kaya't habang may pag-asa kayo Humanap ng pag-ibig na totoo Saka lang liligaya Kung mayro'n nang tunay na minamahal May minamahal