Ngayon, naniniwala na ako Ang lahat ay mayro'ng dahilan Minsan, ang puso ko ay nagmahal Ngunit nasawi, ako'y nilinlang At nang makilala kita, puso ko'y muling sumaya Tinulungan mo akong limutin siya Buti na lang, hindi niya ako mahal Buti na lang, pinagpalit ako sa iba Kung 'di sana, hindi kita makikilala Buti na lang, hindi niya ako mahal, oh-oh-oh-oh-oh Ang sabi ko, "Ang laking malas ko naman" Lagi na lamang bang masasaktan ang puso ko? Kailan kaya sasagutin ng Diyos ang dasal ko? 'Yun pala, hindi siya ang dapat ibigin ko Buti na lang, hindi niya ako mahal Buti na lang, pinagpalit ako sa iba Kung 'di sana, hindi kita makikilala Buti na lang, hindi niya ako mahal Buti na lang, hindi niya ako mahal