Sabi na nga ako'y tinamaan Nang hindi ko nalalaman Unti-unting nabubuhayan Ang pusong walang alam Kailan kaya niya malalaman Ang aking nararamdaman Di na yata kayang itago Pangalan niya'y di pa alam Ngunit paano sasabihin Sa tulad mong di kilala Takot ang nasa isip Na ako'y di mapagbigyan Ngunit paano aaminin Di naman makilala Sa aking panaginip Dun lang mapagbibigyan Minsan na muling nagkita Nais na magpakilala Ngunit naunahan ng kaba Hanggang sa ika'y mawala na Ano ang dapat gawin