Ikaw ay tuwid, ako nama'y hindi Pero 'di ibig sabihin na ako'y mali 'Di mo alam ang aking pinagdaanan Wala kang karapatang ako ay husgahan 'Di ko kailangan ang maging tulad mo Ang kailangan ko lang ay maging ako Iba-iba tayo, dapat mong tanggapin May mga bagay na 'di kayang baguhin Huwag mong isipin ang sinasabi ng mundo Ang damahin ay pag-ibig ng lumikha sa 'yo Walang lamang, walang angat sa bawat isa Lahat tayo'y pantay-pantay sa paningin N'ya Nakikita mo ba itong bulag sa harap mo? Walang maaninag, madilim ang mundo 'Di man makakita ang mga matang 'to Pag-ibig ng Diyos, malinaw sa kanyang puso S'ya ma'y isang bulag at s'ya nama'y pipi Na ngayo'y nagtagpo at nagkatabi Kinukutya at pinagtatawanan dati Ngunit ang totoo, inspirasyon ng marami Huwag mong isipin ang sinasabi ng mundo Ang damahin ay pag-ibig ng lumikha sa 'yo Walang lamang, walang angat sa bawat isa Lahat tayo'y pantay-pantay sa paningin N'ya May gustong maglakad, ngunit tanong paano? Nakakalungkot, bakit nagkaganito? Ngunit, sinabi mong lilipad na lang ako Gagamitin kong pakpak ng pangarap ko Aanhin ko ang paa sa 'king sitwasyon? 'Di ko naman mahabol takbo ng panahon Ang kailangan ko ngayon ay pag-asa Magtatawid sa akin sa isa pang umaga Huwag mong isipin ang sinasabi ng mundo Ang damahin ay pag-ibig ng lumikha sa 'yo Walang lamang, walang angat sa bawat isa Lahat tayo'y pantay-pantay sa paningin N'ya Magkaiba man ang ating anyo Pakatandaan mo na walang perpekto Taliwas man ako sa iyong pamantayan Sa 'ki'y may magmamahal ng walang hanggan Huwag mong isipin ang sinasabi ng mundo Ang damahin ay pag-ibig ng lumikha sa 'yo Walang lamang, walang angat sa bawat isa Lahat tayo'y pantay-pantay sa paningin N'ya Huwag mong isipin ang sinasabi ng mundo Ang damahin ay pag-ibig ng lumikha sa 'yo Walang lamang, walang angat sa bawat isa Lahat tayo'y pantay-pantay sa paningin N'ya, ah Lahat tayo'y pantay-pantay sa paningin N'ya