Hipuin Mo, Panginoon, ang puso kong nagdaramdam Ikaw, Ama, ang may alam kung ako ma'y nasasaktan Sa gitna ng mga luha at hirap ng kalooban Pag-asa ko at tiwala, Ika'y Diyos na mapagmahal Alaala sa tuwina, ang alam Mo'y 'di ko alam Ang isip Mo ay mas higit kaysa aking kaisipan Ang nakikita Mo'y 'di ko nababanaagan At Ikaw ang may hawak ng buhay at kalakasan Sinisigaw ng puso ko, purihin Ka, aming Ama Sa Iyo ako nanghahawak, sa hirap man o ginhawa Tulungan Mo lamang ako, lahat aking mababata Mananatiling lingkod Mo hanggang sa walang-hanggan ♪ Hiling ko lang, Panginoon, huwag Mo akong iiwanan Dahil 'di ko makakaya kung ako ay mag-isa lamang Ang awa Mo, aking Ama, ang higit kong kailangan Upang ako ay mahango sa labis na kalungkutan Sinisigaw ng puso ko, purihin Ka, aming Ama Sa Iyo ako nanghahawak, sa hirap man o ginhawa Tulungan Mo lamang ako, lahat aking mababata Mananatiling lingkod Mo hanggang sa walang-hanggan Sinisigaw ng puso ko, purihin Ka, aming Ama Sa Iyo ako nanghahawak, sa hirap man o ginhawa Tulungan Mo lamang ako, lahat aking mababata Mananatiling lingkod Mo hanggang sa walang-hanggan Mananatiling lingkod Mo hanggang sa walang-hanggan