Nag-iisa at hindi mapakali Ibang-iba pala 'pag wala ka sa aking tabi Pinipilit kong limutin ka nguni't 'di magawa Sa bawat kong galaw ay laging hanap ka Nag-iisa ang isang kagaya mo Na nagmahal at nagt'yaga sa isang katulad ko Bakit nga ba 'di ko man lang nabigyan ng halaga? Nagsisisi ngayong wala ka na Kulang ako kung wala ka 'Di ako mabubuo kung 'di kita kasama Nasanay na ako na lagi kang nariyan 'Di ko kayang mag-isa, puso ay pagbigyan Kulang ako, kulang ako kung wala ka Nag-iisa sa bawat sandali At tila ba biglang nahati ang aking daigdig Umaasa na sana'y maging tayong dalawa muli Sa puso ko'y wala kang kapalit Kulang ako kung wala ka 'Di ako mabubuo kung 'di kita kasama Nasanay na ako na lagi kang nariyan 'Di ko kayang mag-isa, puso ay pagbigyan Kulang ako, kulang ako kung wala ka, oh Kulang ako kung wala ka 'Di ako mabubuo kung 'di kita kasama Nasanay na ako na lagi kang nariyan 'Di ko kayang mag-isa, puso ay pagbigyan Kulang ako, kulang ako kung wala ka Kulang ako, kulang ako kung wala ka