Ayaw na kitang bitawan Hindi ibig sabihin na hindi ko alam Kung wala na 'kong laban Sa kabila ng lahat ng ginawa ko Pwes, sabihin mo lang Para 'di masayang ang oras mo Para 'di maaksaya rin ang boses ko 'Di ko naman kayang manalo Kaya 'di na 'ko makikipagtalo pero Tandaan mo 'to, ohh 'Pag umalis ka kahit bumalik ka 'Di mo na 'ko maloloko Tandaan mo 'to, ohh Kung aalis ka, eh 'di umalis ka Pero 'di ako maghihintay sa 'yo Hanap, butas, duda, mura Takas, tagas, alak, suka Kahit na pilit kitang kinukuha Parang ako sa 'yo ay tila 'di na una Huwag na natin pang habaan Sa tagal ng pagsasama hindi mo pa ba alam Parehas tayong matapang At kung hindi magbabago ang pasya mo Pwes, sabihin mo lang Para 'di masayang ang oras mo Para 'di maaksaya rin ang boses ko 'Di ko naman kayang manalo Kaya 'di na 'ko makikipagtalo pero Tandaan mo 'to, ohh 'Pag umalis ka kahit bumalik ka 'Di mo na 'ko maloloko Tandaan mo 'to, ohh Kung aalis ka, eh 'di umalis ka Pero 'di ako maghihintay sa 'yo Binigay ang lahat ng pagmamahal 'Di mo ba naramdaman Bakit bali binale-wala mo lahat Ng pangako mong walang hanggan Nilabas ko na'ng lahat ng damit mo sa aparador Dalhin mo na din ang maalikabok na bentilador Gusto mo'ng kape, eto pa ang takure Kasi gabing gabi ka na kung umuwi Napapagod din ako; pwede ba ang humindi Dahil isang milyong beses na yata sa 'kin ang muli Ang hiling ko lang ay iwanan mo ang iyong kumot at unan 'Pagkat halimuyak mo lamang ang nais kong maiwan, hoy Tandaan mo 'to, ohh 'Pag umalis ka kahit bumalik ka 'Di mo na 'ko maloloko Tandaan mo 'to, ohh Kung aalis ka, eh 'di umalis ka Pero 'di ako maghihintay sa 'yo Tandaan mo 'to, ohh 'Pag umalis ka kahit bumalik ka 'Di mo na 'ko maloloko Tandaan mo 'to, ohh Kung aalis ka, eh 'di umalis ka Pero 'di ako maghihintay sa 'yo