Alam kong minamahal mo ako ng buong tapat Inaamin na nagkulang at ginawa ay 'di dapat Sinaktan ng puso mong sa akin ay sadyang tapat Ngayo'y nangungulila sa iyong halik at yakap Sana naman, sana na nga ikaw ang kapiling Sana na nga, sana naman ako ay pansinin Alam kung mayroon ka nang ibang iniibig Ano ba ang gagawin upang ako ay mapansin Kung naiisip ko na may iba ka nang mahal Lalo lamang na nalulumbay itong buhay Turuan mong umibig ang puso at isip Ikaw pa rin ang s'yang sinisigaw nitong aking dibdib Sana naman, sana na nga ibigin mong muli Sana na nga, sana naman balikan mo sandali Kahit pigilan pa ang damdamin kong ito Limutin ka'y mahirap na ituro sa puso ko Pansinin mo pa kaya ang pag-ibig kong ito May puwang pa ba kahit konti itong pagsamo ko Ngunit kong sakali mang ika'y iwanan niya Umasa kang ako'y naririto naghihintay sa'yo Sana naman, sana na nga ibigin mong muli Sana na nga, sana naman balikan mo sandali Kahit pigilan pa ang damdamin kong ito Limutin ka'y mahirap, pilitan man ang puso ko Sana naman, sana na nga Ay maturuan mo na limutin ka ng puso ko