Nagmula sa lupa Magbabalik nang kusa Ang buhay mong sa lupa nagmula Bago mo linisin Ang dungis ng iyong kapwa Hugasan mo 'yong putik sa mukha At kung ano ang di mo gusto 'Wag gawin sa iba Kung ano ang iyong inutang Ay siya ring kabayaran Sa mundo ang buhay Ay mayro'ng hangganan Dahil tayo ay lupa lamang Kaya't pilitin mong ika'y magbago Habang may panahon ika'y magbago Pagmamahal sa kapwa ay isipin mo Dahil tayo ay lupa lamang Kaya't pilitin mong ika'y magbago Habang may panahon ika'y magbago Pagmamahal sa kapwa ay isipin mo Ohhhhhh Kaya't pilitin mong ika'y magbago Habang may panahon ika'y magbago Pagmamahal sa kapwa ay isipin mo.