Kahit a malayo ka Kahit na lumimot pa Kahit tumingin ka pa sa iba Alam mong mahal pa rin kita Kahit sa'n ka man mapunta Kahit ilang taong mawala Hindi magbabago itong Nadarama ko para sa iyo Pinangako ko sa Maykapal Na iibigin ka ng tunay Pinangako ko sa sarili Ito'y panghabangbuhay Panghabangbuhay Kung minsan ay naghahanap Ang puso kong nalulumbay Nangungulila sa iyong Haplos na kay tagal nang nawala Laging nasa isip ko Gabi't araw larawan mo Ang tanging nakikita ko Ang 'yong anyo laman ng dibdib ko Pinangako ko sa Maykapal Na iibigin ka ng tunay Pinangako ko sa sarili Ito'y panghabangbuhay Habangbuhay ikaw ay mamahalin Habangbuhay ikaw ay iibigin ko Giliw ko pakinggan mo Habang ako'y na sa mundo Pag-ibig ko sayo'y Hinding-hindi magbabago Ito'y panghabangbuhay