Minsan ang buhay ay isang awit ng galak At mayroong liwanag na tatanglaw sa 'ting pagyapak Minsan ang buhay ay isang awit ng luha At s'yang papawi nito ay ang pag-asa ng umaga At kahit anong tindi ng unos, at kahit anong tindi ng dilim May isang inang nagmamatiyag, nagmamahal sa 'tin Awit n'ya'y pag-ibig ng Diyos, tawag n'ya'y magbalik-loob Turo n'ya'y buhay na ang Diyos lamang sa ati'y nagkaloob Oh, Inang mahal, narito kami't awit-awit ang Ave Maria At dalangin ng bawat pamilya'y kapayapaa't pagkakaisa Ang rosaryo mong hawak namin at awit-awit ang Ave Maria Puspos ka ng diwang banal, dinggin ang aming payak na dasal Ihatid mo kami sa langit ng Amang nagmamahal Oh, Inang mahal, narito kami't awit-awit ang Ave Maria Sa anak Mong si Hesus, puso namin ay ihahandog Ang rosaryo mong hawak namin at awit-awit ang Ave Maria Puspos ka ng diwang banal, dinggin ang aming payak na dasal Ihatid mo kami sa langit ng Amang nagmamahal