I. Wag mo ng isipin ang iyong pagkabigo, dumilat ka pagmasdan mo ang ganda ng mundo. Sa iyong pag iisa karamay mo ako Handang umalalay kung saan kaman patutongo. Isipin mo na ang lahat ay isa lamang pagsubok. Ibuka ang iyong mga pakpak lumipad ka sa langit at hawiin ang mga ulap Ang pagkabigo ay tanda ng pagsubok dito ka masusubokan kung hanggang kailan ay itatagal itoy lumilipas ng hindi mo namamalayan ngunit kung hindi makakayanan akoy nandito lamang. Sa iyong tabi na nagmamahalan, nag aalala sa iyong kapakanan at ang buhay ko ay iaalay hanggang sa dulo ng aking buhay. II. Wag kang matakot di kita pababayaan kailan man di kita iiwanan. Sa iyong paglalakbay di mo pa nararanasan na makatawid sa isang karagatan meron kang nalalaman ngunit di mo ginagamit kung itoy pag aaralan mithiin moy iyong makakamit. Ang pagkabigo ay tanda ng pagsubok dito ka masusubokan kung hanggang kailan ay itatagal itoy lumilipas ng hindi mo namamalayan ngunit kung hindi makakayanan akoy nandito lamang. Sa iyong tabi na nagmamahalan, nag aalala sa iyong kapakanan at ang buhay ko ay iaalay hanggang sa dulo ng aking buhay.