Kalungkutan na iyong nadarama Kahit 'di mo sabihin ay aking nakikita Sa iyong mata, luha ay pahiran na Nalulumbay ang puso mo dahil wala na s'ya Ngunit narito akong lagi sa tabi mo Handang ibigay ang lahat ng tulong ko Hapdi ng sugat na idinulot n'ya sa 'yo Gagamutin ng labis na pagmamahal ko At hindi ako naghihintay ng kapalit mula sa 'yo Ang makita't makausap ka'y masaya na ang buhay ko At hindi ako naghihintay ng kapalit mula sa 'yo Basta't ang alam ko, ako'y nagmamahal nang tapat sa 'yo ♪ Ngunit narito akong lagi sa tabi mo Handang ibigay ang lahat ng tulong ko Hapdi ng sugat na idinulot n'ya sa 'yo Gagamutin ng labis na pagmamahal ko At hindi ako naghihintay ng kapalit mula sa 'yo Ang makita't makausap ka'y masaya na ang buhay ko At hindi ako naghihintay ng kapalit mula sa 'yo Basta't ang alam ko, ako'y nagmamahal nang tapat sa 'yo At hindi ako naghihintay ng kapalit mula sa 'yo Ang makita't makausap ka'y masaya na ang buhay ko At hindi ako naghihintay ng kapalit mula sa 'yo Basta't ang alam ko, ako'y nagmamahal nang tapat sa 'yo