Heto na naman ako Nananaginip nang gising Iniisip ang ating kahapong nakalipas Kay saya ng ating pagsasama Ngunit bakit biglang nawala na parang bula? Sana'y 'di mo malimutan ang ating pinagsamahan Kung sakali mang may minamahal ka nang iba Pipilitin ang sarili na maging masaya At kung sakaling ika'y babalik Ako'y nandito lang kung sakali man Heto ka na naman Naglalaro sa aking isipan Paano ba matatakbuhan ang nararamdaman? Gusto kitang makitang masaya Paano na kung sa iba ka na liligaya? Sana'y 'di mo malimutan ang ating pinagsamahan Kung sakali mang may minamahal ka nang iba Pipilitin ang sarili na maging masaya At kung sakaling ika'y babalik Ako'y nandito lang kung sakali man Ako sana'y dinggin, umaasa pa rin Ang puso kong ito'y 'di bibitiw Sana'y 'di mo malimutan ang ating pinagsamahan Kung sakali mang may minamahal ka nang iba Pipilitin ang sarili na maging masaya At kung sakaling ika'y babalik Ako'y nandito lang kung sakali man Kung sakali man Ako'y nandito lang