Pilipino ako sa puso't diwa Ang buhay ko sa bayan ay itataya Pilipinas na aking bansa Ang iwanan ka'y hinding-hindi magagawa Ikaw ang tahanan ng aking lahi Lahing kayumanggi Di papayag na ikaw ay ma-aglahi Kahit dugo ang maging sukli Para sa bayan tungkulin ko'y gagampanan Nang buong tapat at walang pag-iimbot kailan pa man Para sa bayan susundin ko ang batas na pinaiiral Hindi ako maghahangad ng para sa sarili lamang Igagalang ko ang kapwa Sa isip ko sa salita at sa gawa Magulang ko ay susundin At ang utos ng Diyos aking tutuparin Ikaw ang tahanan ng aking lahi Lahing kayumanggi Di papayag na ikaw ay ma-aglahi Kahit dugo ang maging sukli Para sa bayan tungkulin ko'y gagampanan Nang buong tapat at walang pag-iimbot kailan pa man Para sa bayan susundin ko ang batas na pinaiiral Hindi ako maghahangad ng para sa sarili lamang Iaalay ko ang aking buhay nang buong katapatan Pilipino ako puso't isip ko'y ganyan (Pilipino ako) Para sa bayan tungkulin ko'y gagampanan Nang buong tapat at walang pag-iimbot kailan pa man Para sa bayan tungkulin ko'y gagampanan Nang buong tapat at walang pag-iimbot kailan pa man Para sa bayan susundin ko ang batas na pinaiiral Hindi ako maghahangad ng para sa sarili lamang Para sa bayan Para sa bayan