Ako ay kawal ng aking bayan Giting ay tinataglay Sa oras na ako'y kinailangan Nakahandang ihadlang ang buhay Tapang namin ay napatunayan Sa gubat at larangan Luzon, Mindanao at Visayas man Sa Bataan, Korea at Vietnam Buong loob na lumulusob Kalasag ng matatag na Republika Punglo't pawis ay 'di alintana Sa kasama ay laking tiwala Tatag ng kawal ay lakas ng bansa Kaya palaging maghanda Sa katunggali'y makikibaka 'Pagkat mahal namin ang bandila Buong loob na lumulusob Kalasag ng matatag na Republika Punglo't pawis ay 'di alintana Sa kasama ay laking tiwala Tatag ng kawal ay lakas ng bansa Kaya palaging maghanda Sa katunggali'y makikibaka 'Pagkat mahal namin ang bandila