Ooooh ♪ Nang isilang ka sa mundong ito Laking tuwa ng magulang mo At ang kamay nila ang iyong ilaw ♪ At ang nanay at tatay mo 'Di malaman ang gagawin Minamasdan pati pagtulog mo Sa gabi napupuyat ang iyong nanay sa pagtimpla ng gatas mo At sa umaga nama'y kalong ka ng iyong amang tuwang-tuwa sa 'yo, oh Ngayon nga ay malaki ka na Nais mo'y maging malaya 'Di man sila payag, walang magagawa Ikaw nga ay biglang nagbago, naging matigas ang iyong ulo At ang payo nila'y, sinuway mo 'Di mo man lang inisip na ang kanilang ginagawa'y para sa 'yo 'Pagkat ang nais mo'y masunod ang layaw mo 'di mo sila pinapansin Nagdaan pa ang mga araw at ang landas mo'y naligaw Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo At ang una mong nilapitan, ang iyong inang lumuluha At ang tanong, "Anak ba't ka nagkaganyan?" At ang iyong mga mata'y biglang lumuha ng 'di mo napapansin Pagsisisi ang sa isip mo't nalaman mong ika'y nagkamali Pagsisisi ang sa isip mo't nalaman mong ika'y nagkamali Ika'y nagkamali Ika'y nagkamali, oh Oh woah oh oh Ika'y nagkamali