Dear ate Charo pa'no ba to 'Di ko alam kung san ako magsisimula Sa kwento ng buhay ko Dear ate Charo 'di na mabilang Mga liham kong inilihim ko Na lang at sinilid sa puso Saan pa ba'ko tatakbo Kalaban ko buong mundo Kahit pamilya ko hindi pabor sa gusto ko Puso ko ay litong lito At isip ko'y hilong hilo Hayaan mong ikaw na lang maging Sandalan at sumbungan ko Bakit kaya kapag malala na Saka mo lamang maaalala Magparaya't magtiwala't Magbigay ng halaga Kailan kaya matatapos ang drama Sa buhay kong pang-ma ala-ala Isusulat ko na lang ang kwento ko Dear ate Charo Dear ate Charo pa'no na to Pakiramdam ko talo ako Sa ginawa kong maagang pagsuko Dear ate Charo 'di ako Sigurado kung makakaya kong Panindigan ang hatol ng isip ko Bago pa man naging kami Alam nya nang mauuwi Ako sa kapalarang 'Di naman, ako ang pumili Pero sige lang nang sige Hanggang lumalim ang kami At magkabunga ang inaakala namin ay mali Kaya naman ako ay nagpaalam At bumitaw na lang nang biglaan 'Di ko na naipaglaban Aking nararamdaman Saka ko lamang napatunayang 'Di ko pala sya kayang iwanan Sana ay mabasa mo ang kwento ko Dear ate Charo Salamat at mayrong Isang katulad mong handang Magpahiram ng oras sa Katulad kong bigo At sa pagsasara ng mga Pahina ng liham ko Alam kong mayroon namang Mabubuksang bagong pinto At sa huli kami'y magkikita At mapayapa na magsasama Sa harap ng libo-libong Pagsubok ng tadhana At sa wakas 'di na alintana Ang mga nega at kontrabida Dahil kami ang bida sa kwentong ito Dear ate Charo Dear ate Charo Dear ate Charo Dear ate Charo Dear ate Charo