Matindi ang trapik abala't naghahabol Ang lahat na yata ng mga tao nasa mall At nagsisiksikan para bang magagahol Walang nagbibigayan, nagkabuhol-buhol Pagod na ang isip, katawan at ang bulsa Pa'no kakayanin na ito ay mapagkasya? Munting nakayanan ay magustuhan sana Kahit 'di mamahalin, pasensiyahan mo na Panahon na naman ng regalo Minsan lang 'sang taon ang ganto Dagdagan natin ang aginaldo Heto, dinggin mo Mas maligayang pasko Kung may pagkakaisa, kahit magkakaiba Mas maligayang pasko Tulong-tulong ang lahat, nagsasama ng tapat Ibang klaseng monita, monito Para sa'kin at sa'yo Mismong mas maligayang pasko ♪ Ta-ra-ra-rat-ta-ta-ra Kung walang masabing matino ay 'wag na lang 'Di naman kailangan na palaging magyabang Tama ng tampuhan para di na mailang Magmahalan tayo halina't magdiwang Pansinin ang parol sa kalsada Pakinggan ang karoling at kanta Pagbigyan ang paskong umaasa Tena, tayo na, ah, ah, ah Mas maligayang pasko Kung may pagkakaisa, kahit magkakaiba Mas maligayang pasko Tulong-tulong ang lahat, nagsasama ng tapat Ibang klaseng monita, monito Para sa'kin at sa'yo Mismong mas maligayang pasko, oh, oh, whoa Kung may pagkakaisa, kahit magkakaiba Mas maligayang pasko, oh Tulong-tulong ang lahat nagsasama ng tapat Ibang klaseng monita, monito Para sa'kin at sa'yo Mismong mas maligayang pasko, oh