Naglalakbay sa gitna ng dalampasigan Pinagmasdan ang alon na humahampas sa nakaraan Umihip ang hangin, sa langit, ako'y napatingin Ulap ay sadyang kay dilim, tila yata may bagyong parating Bakit ka lumuluha? Bakit nagtataka? Akala mo ba, ika'y iniwan na? Hindi, pasan kita, hindi mo ba nakikita? Hindi ka na sa akin ay luluha pa Nasa'n na ang tapang at lakas ng 'yong loob? Ngayo'y karuwagan na lang ba ang iyong sagot? Umihip ang hangin, sa langit, ako'y napatingin Ulap ay sadyang kay dilim, tila yata may bagyong parating Bakit ka lumuluha? Bakit nagtataka? Akala mo ba, ika'y iniwan na? Hindi, pasan kita, hindi mo ba nakikita? Hindi ka na sa akin ay luluha pa Hindi ko naman hangad ang anomang bagay sa mundo Ang tanging hinihiling ko lamang ay yakapin mo At ngayon, pasan kita, ngayon mo na makikita Hindi ka na sa akin ay luluha pa Ngayon, pasan kita, ngayon mo na makikita Hindi ka na sa akin ay luluha pa