Heto na naman tayo Tila nagkakagulo Tuwing sasapit na s'ya, Merry Christmas Libo ang kamag-anak Kay daming inaanak Magtatago tiyak, Merry Christmas Kay saya ng mga reunion Andyan ang kaldereta't lechon Nagsasama-sama away ay limot na Ang kapuso kapatid at kapamilya Tayo ay sadyang gan'yan Ang pagmamahalan Gan'yan lang ang Pinoy na krismas Sa pagdating ng Happy New Year, lahat nagsasayahan Panibagong pag-asa na ang darating sa bawat pamilya At sabay sa countdown, laging lahat nagbabatian Wala nang mas sisiya pa Kapag ang lahat magkasama Ganyan ang Pinoy, parang walang problema Magmula simbang gabi, kahit nagpupuyat lagi Hanggang sa araw ng Merry Christmas Tsokolate't pulboron, bibingka at putobongbong Sari-sari ang handa, Merry Christmas At pagsapit na ng Noche Buena Hindi pwedeng walang keso de bola Lagi lang tandaan ang tanging dahilan Kung bakit tayo ay nagdiriwang Ito ang araw ni Hesus, isinilang sa mundo Ito ang ating Merry Christmas Tayo ay sadyang gan'yan ang pagmamahalan Gan'yan lang ang Pinoy na krismas Pinoy na krismas Pinoy na krismas Pinoy na...