Minsan pa nating hagkan ang ating nakaraan At ang kahapong saya'y bigyang daan Mapananariwa pa nating muli Ang pag-ibig kahit na ngayo'y mali Minsan pa nating buksan, nakapinid nang pinto Muli kong hahaplusin ang 'yong puso At subukan natin kung may nalabi Na pagmamahal kahit man lang munti Nababatid kong kasalanan, muli nating pagmamahalan Subalit 'di ko magawang limutin ka Sasabihin kong ako ang s'yang nagkasala Mahal kita, mahal kita Minsan pa nating hagkan ang ating nakaraan Buhay man ang kapalit, ako'y laan Dahil ang pag-ibig ko'y 'di mamamatay Sa mundong ito'y wala pang papantay Nababatid kong kasalanan, muli nating pagmamahalan Subalit 'di ko magawang limutin ka Sasabihin kong ako ang s'yang nagkasala Mahal kita, mahal kita Minsan pa nating hagkan ang ating nakaraan Buhay man ang kapalit, ako'y laan Ang pag-ibig ko'y buhay kailan pa man At maghihintay sa 'yo kahit saan Minsan pa nating hagkan ang nakaraan