Narito ang pag-ibig ko Ibibigay nang buong-buo Nangangarap nang mag-isa Umaasa na makapiling ka Narito ang buhay ko Nakalaan para sa iyo Naghihintay ng pag-asa Na sana ay iyong madama Langit ka, lupa ako Hanggang tanaw na lang ba tayo? Mahal kita, mahal mo ba ako? Hanggang pangarap na lang ba ito? Kaya kong gawin ngunit 'di kayang sabihin Ang pag-ibig ko sana'y mapansin Narito ang awit ko Ang himig nitong puso Naglalarawan ng pagsinta Nagbibigay ng sigla't saya Langit ka, lupa ako Hanggang tanaw na lang ba tayo? Mahal kita, mahal mo ba ako? Hanggang pangarap na lang ba ito? Kaya kong gawin ngunit 'di kayang sabihin Ang pag-ibig ko sana'y mapansin Ang pagtingin at pagmamahal Damdaming iingatan nang kay tagal Langit ka at lupa ako Hanggang tanaw na lang ba tayo? Mahal kita, mahal mo ba ako? Hanggang pangarap na lang ba ito? Kaya kong gawin ngunit 'di kayang sabihin Ang pag-ibig ko sana'y mapansin