Mamimiss ko ang mga mahal sa buhay Mamimiss ko mga payo ni Itay Mamimiss ko ang adobo ni Inay Habang sa byahe, kay lungkot ng buhay Marami akong hahanap-hanapin Ngayong malayo na sa bayan natin Masakit, malungkot, pero 'di nagsisisi Mahirap palang maging bayani Ilang gabing tulog na lang Bago kayo ay mabalikan Kakayanin, bubunuin Kayod kabayo'y titiisin Kahit lungkot ang kapiling Sa sarili'y sasabihin Ilang gabing tulog na lang (tulog) Ilang gabing tulog na lang Mamimiss ng husto ang noche buena Salu-salo ng buong pamilya Masakit, malungkot pero 'di nagsisisi Mahirap palang maging bayani Ilang gabing tulog na lang Bago kayo ay mabalikan Kakayanin, bubunuin Kontrata'y tatapusin Kahit lungkot ang kapiling Akin na lang iisipin Ilang gabing tulog na lang (tulog) Ilang gabing tulog na lang, ahh Ilang gabing tulog (ilang gabing tulog) Ilang gabing tulog na lang