Kishore Kumar Hits

Willie Revillame - Sabi Ko, Sabi Ko (I Luv U, I Luv U 2) lyrics

Artist: Willie Revillame

album: Para Sa ‘kin Ay Ikaw


Nang makilala ka
Akala ko ay gwapo ka
Hindi pala, loko ka
Nang makilala ka
Akala ko ay boba ka
Hindi pala, mukha lang
At hindi malilimutan
Nang ako'y iyong titigan
Para akong saging na binabalatan
At 'di ko rin malilimutan
Nang ako'y iyong lapitan
Para akong pinggan na hinuhugasan
Sa puso ko at isipan
Ay bigla kong naramdaman
Na ikaw pala ang kailangan
Sabi mo, sabi ko
I love you, I love you too
'Di magbabago, tunay 'to
Sabi mo, sabi ko
I love you, I love you too
'Yan ang sinasabi ng puso ko
Nang makasama ka
Akala ko ay playboy ka
Hindi pala, pilyo lang
Nang makasama ka
Labis akong nagtataka
Araw-araw, gumaganda
Ano ba ang 'yong sikreto?
Pang-beauty queen na ang dating mo
Kay Calayan ba o kay Belo?
Willie Boy, huwag magpamacho
Ang corny naman ng joke mo
Dahil 'di ako natatawa sa 'yo
Tama na ang pagtatalo
Magbati na lang tayo
At nais ko'y malaman mo
Sabi mo, sabi ko
I love you, I love you too
'Di magbabago, tunay 'to
Sabi mo, sabi ko
I love you, I love you too
'Yan ang sinasabi ng puso ko

At kahit na ano'ng mangyari
Magkasakit ka man nang grabe
Mananatili ako sa iyong tabi
Okay lang na mambabae
Basta't huwag lang papahuli
Dahil kung hindi, yari ka
Sana'y laging magkasama
Tumanda man tayong dalawa
Pumuti man ang buhok o malagas pa
Sabi mo, sabi ko
I love you, I love you too
'Di magbabago, tunay 'to
Sabi mo, sabi ko
I love you, I love you too
'Yan ang sinasabi ng puso ko
Sabi mo, sabi ko
I love you, I love you too
'Yan ang sinasabi ng puso ko

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists