Akala ko, 'di mo kayang magmahal Sa tulad kong 'di mo dating iniibig Inalis ko na sa puso at isipan ko ang pag-ibig mo 'Di ko akalaing mahal mo rin ako Ngayong nandito ka, puso ko'y sumigla Makulay ang buhay ko dahil sa pag-ibig mo Lahat ay nagbago na, ngayong nandito ka, sinta ♪ Noon, wala akong inaasam Sapat na ang aking kaligayahan Binuhay mong sa puso kong nalulumbay at nag-alay Ng isang pag-ibig na walang hanggan Ngayong nandito ka, puso ko'y sumigla Makulay ang buhay ko dahil sa pag-ibig mo Lahat ay nagbago na, ngayong nandito ka, sinta Salamat sa 'yong pagmamahal Sa pag-ibig mo, oh, giliw ko, oh Ngayong nandito ka, puso ko'y sumigla Makulay ang buhay ko dahil sa pag-ibig mo Lahat ay nagbago na, ngayong nandito ka Ngayong nandito ka, puso ko'y sumigla Makulay ang buhay ko dahil sa pag-ibig mo Lahat ay nagbago na, ngayong nandito ka, sinta, ooh